Dahil sa “my day” ni misis, mister sinunog ang kanilang bahay

Dahil lamang umano sa my day ni misis sinunog ng isang mister ang kanilang bahay at nadamay pa ang nasa 11 nilang kapitbahay sa Brgy. Talomo Proper, Davao City.

Sa interview ng Brigada Davao sa mga kapitbahay, posible umanong nag-selos ang suspek na si alyas Arnold nang makita ang my day ng misis na larawan umano ng ibang lalaki.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Doon na sinunog ni Arnold ang kanilang bahay na agad kumalat sa mga katabing bahay.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Ayon sa Talomo Fire Station nasa 8 bahay ang totally damage habang 4 naman ang partially damage.

Agad naman naaresto ng Talomo Police Station ang suspek na nahaharap sa kasong arson.