Napa-wow ang netizens nang makita ang isang larawan ng puno na sa unang tingin ay aakalain mong naglalakad sa lupa.
Ang puno ay may scientific name na Metrosideros robusta at may taas na 105 feet o kasing-laki ng isang seven-story building kaya naman isa ito sa tinaguriang tallest flowering tree species sa New Zealand.
Dahil dito, binansagan itong “Walking Tree” matapos ang isinagawang competition na umani ng kabuoang 42 % ng public votes sa New Zealand Arboricultural Association’s Tree of the Year Award 2024.
Batay sa naging research,100 taong gulang na ang naturang puno. ### Pauline Manga, Intern
Photo: Live Science