Pagpupunuan na ng mga Healthcare facilities mahigpit na pinaiiwasan ng DOH Camarines sur; pagsita sa mga health protocol violators pinahihigpitan

NAGA CITY- Malaking problema kapag napuno ang mga health care facilities, mga ospital at mga isolation facilities lalo pa’t may delta variant , lambda variant at iba pa na dati nang nasa variants of concern. Bagay na dapat mabatid ng mga health protocol violators.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Department of Health Camarines Sur Dr. Rey Millena, sinabi nitong mapupuno ang mga ospital kung marami ang lumalabag, marami ang mahahawa.

Una nang sinabi sa BNFM Naga ni PLtCol. Louie Dela Peña na sa pag-iikot ng PNP panay ang sita nila, namamahagi pa nga ng facemask.

Sa Naga City naman, nitong weekend nag rambol ang dalawang grupo ng mga kabataan sa isang plaza, nagsabunutan ang dalawang dalagita sa may Naga Cathedral, nagkakomosyon naman sa pagitan ng dalawang grupo ng mga pedicab drivers dahil sa pinag-aagawang terminal.

Apela nina Millena dapat maging sistematiko at istrikto rin mula sa Barangay hanggang sa LGUs at mga katuwang na ahensya. Higpitan aniya ang pagsita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *