Pagpapaigting ng police visibility dahil sa mga kaso ng pagnanakaw sa Camalig, ipinag-uutos ng alkalde

LEGAZPI CITY – Dahil sa namataang pagdami ng mga kaso ng pagnanakaw sa bayan ng Camalig, Albay, ipinag-uutos ngayon ni Municipal Mayor Caloy Baldo ang pagpapaigting ng police visibility.

Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag

Nais ng alkalde na ang mga kapulisan sa bayan ay magsagawa ng pagbabantay sa mga barangay lalo na sa mga paaaralan upang maprotektahan at matiyak ang seguridad ng publiko.

Bukod naman sa kapulisan, hinihikayat din ni Baldo ang mga namumuno sa barangay tulad ng mga kapitan pati ang mga tanod na magkaroon ng monitoring sa kanilang mga teritoryo upang makatulong din na mapigilan ang anumang uri ng mga krimen.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash