Pagpapadala at paggawa ng sulat sa tradisyunal na paraan malaki ang maitutulong para mapalago ang verbal at analytical ability ng mga kabataan

CAMARINES NORTE – Iminumungkahi pa rin ng Philippine Postal Corporation ang paggawa ng sulat at pagpapadala nito gamit ang tradisyunal na paraan sa gitna ng modernong panahon o social media era.

Malaki daw kasi ang maitutulong nito lalo na sa mga kabataan na hindi na alam ang mga  bahagi ng sulat at walang maayos na command sa grammar.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ayon kay Acting Postmaster Nena Panganiban ng Daet Post Office makakatulong din ang paggawa ng sulat para ma- improve ang verbal at analytical ability ng mga bata na maaari nilang ma- adapt lalo na kapag may examinations o quiz.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Bukod dito, iba pa rin naman talaga sa pakiramdam kapag makakatanggap ng sulat o cards lalo na kung galing sa mahal sa buhay.