Family Income and Expenditures Survey hindi specific sa produkto- PSA

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na hindi specific sa produkto ang ginagawang Family Income and Expenditures Survey (FIES).

Ayon kay Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao specific lang ang survey sa klase kung halimbawa ito ba ay karne ng baboy o baka kasama ang avian family tulad ng manok, pato at kahalintulad.

Read More:  Two dead after motorcycle collides with carabao in Negros Occidental

Pagdating naman sa bigas inaalam kung anong klase ng bigas ang araw- araw na kinukunsumo ng mga tao dahil dito makikita kung ano ang lumalabas na karaniwang kinukunsumo ng mga pamilya na bubuod sa market basket.

Kasama rin sa market basket ang mga services tulad ng education, transportation, kuryente at tubig.

Read More:  BFP personnel arrested over alleged “slots-for-sale” scheme

Tatatagal ng 21 araw ang survey na nagsimula noong January 8.

Ang kinukuhang datos sa FIES ay tungkol sa kita, gastos, source of income at mga kinukunsumo ng mga pamilyang masasample sa survey.