Paglalathala ng COCs sa website ng Comelec, aprub na ‘in principle’ ng Comelec en banc

Kinumpirma ni Comelec Chairman George Garcia na aprubado na ‘in principle’ ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang mungkahing paglalathala ng Certificate of Candidacy kasama ang Certificate of Nomination and Acceptance sa website ng Comelec.

Ayon kay Garcia, Comelec Law Department and Information and Technology Department ang naatasang magbalangkas ng guidelines kung paano ito maipatutupad nang walang nalalabag sa privacy ng mga kandidato.

Kaugnay nito, nilinaw din niyang ang COC ay public document, at hindi dapat inililihim.

Ang mga impormasyon aniya kasing nakasaad dito ay mismong nire-require ng batas para sa mga nagpa-file ng candidacy.

Sa huli, sinabi ng komisyoner na ang naturang hakbang ay para sa transparency, at upang mapahintulutan ang mga Pilipino na makita ang qualifications at kakayahan ng mga kandidato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *