DALAWANG ATLETA MULA LOOC, ROMBLON PUSPUSAN NA ANG PAGHAHANDA PARA SA NALALAPIT NA PALARONG PAMBANSA!

Batangas City – Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng dalawang atleta mula Agojo, Looc, Romblon para sa kanilang nalalapit na laban sa Palarong Pambansa 2024.

Sila ay sina Jamela Villaresis, kalahok na rin sa palarong pambansa noong nakaraang taon, na nagwagi ng dalawang gintong medalya sa 100 meters hurdles at isang pilak na medalya mula sa 4×400 meters relay sa nagdaang MIMAROPA RAAM 2024.

Kasama rin niya si Maureen De Guzman, na nakasungkit ng dalawang gintong medalya para sa triple jump at high jump at isang pilak na medalya mula sa long jump sa ginanap na RAAM 2024.

Sa kabila ng mga hamon tulad ng kakulangan sa kagamitan at oras para sa pag-ensayo, hindi naging sagabal ang mga ito sa kanilang paghahanda at mas lalo pang napagtibay ng kanilang determinasyon.

Payo naman ng kanilang Coach na si Hadjie Pahit sa mga batang manlalaro, na maging masigasig lang sa training, disiplinado, at laging magpakumbaba, siguradong walang imposible pagdating sa pangarap.

Ang tagumpay nina Jamela at Maureen ay hindi lamang nagbibigay ng inspirasyon, kundi naglalarawan din ng katatagan at determinasyon ng mga atletang Romblon sa larangan ng sports.

Ngayong darating na Palarong Pambansa, muling papatunayan nina Jamela at Maureen, na karapatdapat silang manalo at kanila nga ang gintong medalya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *