PNP – nirerespeto ang hatol sa 4 na pulis na nakapatay sa mag-ama sa Caloocan

Nirerespeto ng Philippine National Police (PNP) ang desisyon ng korte na nagdeklara ng guilty verdict sa apat na pulis na sangkot sa kasong homicide kaugnay ng pagkamatay ng mag-ama sa Caloocan sa kasagsagan ng drug war noong 2016.

Ayon kay PNP PIO Acting Chief at Spokesperson Col. Jean Fajardo, palagi silang nagbibigay ng presumption of regularity sa pagganap ng kanilang mga tungkulin, ngunit kung mayroong makikitang pang-aabuso o paglabag sa mga police operational procedure, dapat itong tugunan ng kaukulang katarungan.

Dagdag pa ni Fajardo na karapatan ng pamilya ng biktima na mag-apela kung nais nilang baguhin ang hatol sa pagiging murder mula sa homicide.

Sa ngayon, balik na sa active duty ang apat na pulis hangga’t hindi pa pinal at executory ang desisyon ng korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *