Pagkakaisa, isang mahalagang sangkap sa pagkamit ng tunay na kalayaan –Kongresista sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Naniniwala si Camarines Sur 3rd District Congressman Gabriel Bordado Jr. na isa sa mga mahahalagang sangkap upang makamit ang tunay na kalayaan ng Pilipinas ay ang magkaroon ng pagkakaisa, hindi lang ng mga nasa politika maging ang mga ordinaryong mamayan.

Sa kanyang mensahe kahapon sa paggunita ng ika-126 isang daan at dalawamput anim na  taon ng Araw ng Kasarinlan, isa sa mga binigyang diin ng kongresista na kakulangan sa pagkakaisa ang nakikita niyang dahilan kung bakit hindi pa rin sapat ang natatamasang kalayaan ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyang panahon. Mula sa pagkakaiba-iba ng opinyon, pinaniniwalan at mga adhikain hanggang sa mga aksyon na kailangang gawin, tila hindi nagkakasundo ang karamihan.

Noong mga nagdaang buwan, matatandaan na hindi gaanong naging maganda ang ugnayan sa pagitan ng 3rd District Office at sa lokal na pamahalaan ng Naga dahil sa mga isyung hindi gaanong napag-uusapan ng magkabilang panig. Natapos naman ang mensahe ni Bordado sa pagbigay ng tunay na kahalagahan ng pagiging malaya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *