Basketball legend Jerry West, pumanaw sa edad na 86

Pumanaw na ang basketball legend na si Jerry West nitong Miyerkules sa edad na 86, ito ang ipinahayag ng Los Angeles Lakers.

Si West ang nagbigay ng inspirasyon sa logo ng NBA, at isa din sa iconic player noong 1960s bilang isang star guard.

Naglaro ito para sa Lakers simula noong 1960 hanggang 1974, at naging co-captain din siya noong 1960 sa Rome Olympic US basketball, at nagkamit siya ng gold medal squad.

Binansagan si West bilang isang “Mr. Clutch”, dahil sa kanyang husay at bilis sa kanyang pag lalaro at bihasang shotmaking.

Kabilang sa mga pagkilala na nakuha ng Lakers star ay nang masungkit nito ang Most Valuable Player noong 1969 sa NBA finals, laban sa kanilang karibal na Boston Celtics para sa titulo. (JAIME A CODIZAL – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *