Digitalization ng sistema ng land appraisal at assessment, tututukan ng bagong Provincial Assesor ng Albay

LEGAZPI CITY – Tututukan ngayon ng bagong Provincial Assessor ng Albay ang digitalisasyon ng sistema ng kanilang opisina lalo na pagdating sa land appraisal at assessment.

Ang nasabing bagong upong Provincial Assessor ay si Natividad C. Krishnan, kung saan inihayag nitong siya ay nanungkulan sa Provincial Assesor’s Office (PAssO) ng labindalawang (12) taon at limang (5) taon naman bilang Municipal Assessor sa bayan ng Malilipot.

Ayon kay Krishnan, una sa mga tututukan niya ang digitize and database cleansing, sunod ang pag-develop at pag-establisa ng uniformity, regularity, at consistency requirements sa mga aplikasyon pagdating sa transaksyon sa loob ng Provincial at Municipal level.

Binigyang diin pa niya na bagamat isang malaking hamon umano sakaniya ang gagampanang bagong tungkulin, tiniyak pa rin ng opisyal na gagamitin nito ang malawak na kaalaman at karanasan pagdating sa larangan ng real estate appraisal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *