Paghihigpit sa mga hindi bakunadong indibidwal, posible – DOH Sorsogon

SORSOGON CITY – Naniniwala si Department of Health (DOH)-Sorsogon head Dr. Gladys Escote na posibleng dumating ang panahon na maghihigpit na ang mga kinauukulan sa mga hindi bakunado na mga indibidwal at magkakaloob naman ng mga insentibo sa mga fully vaccinated.

Sa pahayag ng opisyal, sinabi nito na base kasi sa inilabas na Resolution No. 149-A at 149-B ng Inter-Agency Task Force (IATF), epektibo sa unang araw ng Disyembre lahat ng mga empleyadong hindi bakunado ay hindi na papayagang makapasok sa kanilang trabaho ng walang negativen RT-PCR test result. Mismong ang empleyado ang sasagot sa gastos ng testing.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal bagama’t karapatan umano ng sinuman kung siya ay magpapabakuna o hindi, subalit hindi rin umano talaga malayo ang posibilidad na magpapatupad ng mga paghihigpit sa mga hindi bakunado.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Una rito, may mga impormasyon na di umano’y may ilang mga barangay na sa lalawigan ang ginigipit ang kanilang mga residente na  hindi bakunado sa pamamagitan ng hindi pag-iisyu sa mga ito ng Certificate of Indigency o di kaya naman ay pagbawas sa pay-out  na natatanggap ng mga ito mula sa 4Ps.