BICOL—Kumpiyansa ang local na gobyerno ng lungsod ng Legazpi na maabot nila ang target na herd immunity ngayong Disyembre.
Umaabot na kasi sa 64.57% ang mga nababakunahan kontra COVID-19 sa lungsod, kaunti na lang bago maabot ang 70% target.
Sa pinakahuling record hanggang nitong Nobyembre 28, mayroon nang kabuuang 204,750 vaccine doses ang naibabakuna sa lungsod.
Ang Legapzi, ay siya nang nangunguan sa lahat ng lugar sa Bicol pagdating sa porsyento ng mga nababakunahan kontra COVID-19.
Kasunod nito ang Naga City na mayroon nang 48.77%, Sorsogon City na may 36.16% at Masbate City na mayroon nang 31.43% vaccination turnout.
Sa buong bansa, ikaapat ang syudad ng Legazpi sa mga nangunguna sa pagbakuna kung saan nangunguna ang Mabalacat City, Pampanga na mayroon nang 92.08%. Pangalawa ang Angeles City, Pampanga na may 73.66%. Pangatlo ang Tagbilaran City, Bohol na may 72.48% at ikaapat ang Legazpi sa 64.57% na sinusundan naman ng Meycauayan, Bulacan na mayroon nang 64.05% na nababakunahan kontra COVID-19.
Sa nagpapatuloy na National Vaccination Days, inaasahang mas marami pa an gmababakunahan kung saan sa lalawigan ng Albay, nasa 200,000 indibidwal ang target na maturukan ng COVID-19 vaccine.### | slm