NAGA CITY – Muling naantala ang Naga City Solid Waste Management Office sa paghahakot ng basura sa lungsod, matapos na muli na namang masira ang tatlo sa kanilang garbage truck.
Sa panayam kay Engr. Joel Martin, Head ng CSWMO, katunayan namomroblema sila dahil sa hindi na maiiwasang pagpapa-ayos ng dump o garbage truck, kahit nadagdagan ng dalawa, na halos nasa limang taon na rin ang gulang, na mas iniisip nila ang paparating na Peñafrancia Festival, ang matiyak na malinis bago, habang pagkatapos ng mga aktibidad, dahil sakali man na kulangin kahit na may dalawang inaasahan na garbage truck sa Setyembre, posible nang manghiram sa mga private sector.
Kung saan, humihingi na rin ito ng dispensa sa ilang barangay na apektado ng pagkaka-antala, lalo na sa Triangulo, Concepcion Pequeña, Calauag, Liboton at sa may parte ng CBD 2, na tiniyak naman na mamahakot ang mga basura.
Dagdag pa ng opisyal at panawagan nito sa mga residente na iwasang magtapon ng mga basura lalo na ang plastic kung saan-saan, dahil nagiging dahilan ng pagbabara sa mga drainage canal, kaya minsan bumabaha pa rin sa ilang barangay sa lungsod, na ngayon balik muli sa pagdeclog ng mga ito.