Nakatakdang talakayin ng lokal na pamahalaan ng Moises Padilla, Negros Occidental kung ano ang maibibigay na tulong sa pamilya ng principal na nasawi matapos mahulog sa bubong ng classroom.
Ito’y matapos kumpirmahing binawian na ng buhay matapos ang ilang araw na pakikipaglaban sa hospital.
Kinilala ang principal 1 ng Guipana-an Elementary School na si Reynaldo Mojares, 60-anyos.
Napag-alaman na noong Linggo, Hulyo 28, 2024, o bago ang pagbubukas ng klase umakyat ang principal sa bubong ng paaralan matapos makitang may mga basura pa na kailangang linisin
Ngunit nang bumaba ito gamit ang hagdan, nahulog ito.
Ilang araw pa itong nagpagaling sa pagamutan ngunit nitong Hulyo 31, tuluyan na itong binawian ng buhay.