Pagdami ng mga nagpopositibo sa COVID 19 sa Daraga, Albay dahil umano ito sa local transmission- MHO DARAGA

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Municipal Health Office (MHO) Daraga na lumulobo ang bilang ng mga nagpopositibo sa Corona Virus Disease (COVID) 19 sa mga barangay.

Ayon kay Dr Ceasar Mata ang head ng MHO ng nasabing bayan, inaasahan na niyo na dadami ang mga magpopositibo sa covid 19 sa bayan ay dahil sa mayroon ng local transmission.

Read More:  Massive Davao City fire leaves 200 families homeless

Aniya, karamihan kasi umano sa mga asymptomatic ay hindi nila alam na sila ay mayroon na palang dalang nasabing sakit.

Dahil dito, pakiusap sa mga Daragueño na umiwas na muna sa mga matataong lugar o wag na munang lumabas ng kanilang bahay kung mayroon ng nararamdaman upang hindi na magkaroon ng hawaan sa ibang tao.

Read More:  Negrense youth defies challenges, finishes among PMA’s finest

Imposible umano sa buwan ng Pebrero ay bababa na ang bilang ng nagpsoitibo sa covid 19 dahil kung titingnan ang datus ng Department of Health (DOH) Bicol ay nadadagdagan pa rin ang bilang ng nasabing virus.