No vaccination No ride policy na ipapatupad umano sa Daraga, Albay depende parin sa alkade

LEGAZPI CITY – Binigyan diin ng Municipal Health Office (MHO) Daraga na napakaimposible na maipatupad ang No Vaccine No Ride Policy sa bayan ng Daraga dahil sa hindi pa gaano kataas ang mga nagpositibo sa Coronavirus Disease kung ikukumpara ito sa Metro Manila.

Ito ang inihayag mi Dr Ceasar Mata, ang head ng nasabing opisina sa Brigada News FM Legazpi matapos magpatupad ang National Capital Region (NCR) ng nasabing polisiya.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon kay Mata, magdedepende pa rin ito sa Alkalde kung nanaisin nito na mag-implementa ng nabanggit na batas.

Aniya, bago man ipatupad ang No Vaccination No Ride Policy sa Daraga ay magkakaroon muna ito ng deliberation ng Pamahalaang Panlalawigan, Local Government Unit at Department of Health kung nararapat nga bang ipatupad o hindi.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Dagdag pa nito, para hindi na umabot sa paghihigpit ang nasabing bayan ay sundin lamang ang mga ipinatutupad ng lokal na gobyerno upang bumaba na ang bilang ng mga nagpopositibo sa covid 19.

Sa ngayon ay umaabot na sa 87 ang nagpositibo habang dalawa na rin ang nasawi sa covid 19 sa Daraga simula Enero 1 hanggang 18 taon 2022.