BNFM BICOL– Pumalo na sa 2,910 ang bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes matapos na madagdagan ng 34 na mga bagong kaso kahapon.
Batay sa inilabas na update ng Provincial Health Office, mula sa naturang bilang ay 136 ang nananatiling aktibong kaso ; 2,650 na ang recoveries habang 127 ang bilang ng mga nasawi.
Ayon pa sa datus ng nasabing tanggapan ang kabiserang bayan ng Virac ang nangunguna ngayon sa may pinakaraming aktibong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan na mayroong 59.
Sinundan ito ng Bato na may 16; San Andres na may 14; sampo sa Bagamanoc; siyam sa Caramoran; tag anim ang Baras at Panganiban; lima sa San Miguel, Viga at Pandan habang may isang aktibong kaso naman ang bayan ng Gigmoto.
Bunsod nito, patuloy ang paalala ng PHO sa lahat ng mga residente sa isla na matamang sundin ang mga umiiral na minimum public health standards at makiisa sa nagpapatuloy na bakunahan upang mabigyan ng proteksyon ang sarili laban sa nakamamatay na virus.###