PAGCOR, pinagpapaliwanag hinggil sa POGO hub sa Bamban, Tarlac

Dapat may pananagutan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa ni-raid na POGO hub sa Bamban, Tarlac, ayon yan kay Senador Sherwin Gatchalian.

Paalala ng senador, mandato ng PAGCOR na pangasiwaan ang gaming industry, at binigyang-diin na ang kanilang tanggapan sa Bamban ay dapat na nagbantay sa halos isanlibong undocumented na empleyado ng Zun Yuan.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Dagdag pa nito, malinaw na nagkaroon ng kakulangan sa regulasyon ang PAGCOR dahil sa kanilang pagkabigong maayos na mabantayan ang POGO hub.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Imposible rin aniyang hindi napansin ng lokal na pamahalaan na pinamumunuan ni Mayor Alice Guo ang operasyon ng POGO hub, kaya’t kahit ang Bamban City Local Government ay dapat magpaliwanag hinggil sa usapingito.