Donald Trump, hinatulang guilty dahil sa pamemeke ng mga dokumento

Napatunayang guilty si Donald Trump sa isang criminal trial sa New York dahil sa pamemeke ng mga dokumento para pagtakpan ang hush money na ibinayad niya sa isang adult-video star bago ang 2016 elections.

Read More:  US Secretary Marco Rubio meets Marcos in Manila

Dahil dito, si Trump na ang kauna-unahang naging presidente ng Amerika na na-convict dahil sa kasong felony.

Nakatakdang masentensiyahan si Trump sa ika-11 ng Hulyo.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ilang araw lang ito bago pormal na piliin ng mga Republicans ang kanilang nominado para sa halalan sa pagkapangulo sa 2024. (AP Photo | Seth Wenig | Pool)