Pagbabalik operasyon ng Pantao Port, magsisimula na sa susunod na linggo

LEGAZPI CITY – Magsisimula na ang pagbabalik operasyon ng Pantao Port sa bayan ng Libon, Albay sa susunod na linggo ayon sa Provincial Engineer Dante Baclao.

Ayon sa opisyal, ngayong linggo ay isasagawa ang pagsasaayos ng transmission lines, at pagkakabit ng kuryente sa mga building sa naturang pantalan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sinabi ni Baclao na kapag na-energize na ito ngayong linggo, pwede nang mag set-up ng opening.

Kaugnay nito, nakipagpulong na rin umano siya sa Albay Electric Cooperative para tuluy-tuloy na ang operasyon ng nasabing pantalan. Dagdag pa niya, napapanahon na rin para buksan ang pantalan dahil mahalagang papel ang gagampanan nito lalo na sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng lalawigan dahil sa magandang lokasyon nito.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire