Patay on the spot ang bise alkalde ng bayan ng South Up isa lalawigan ng Maguindanao del Sur matapos na tambangan ng dipa nakikilalang mga salarin pasado alas kwatro ng hapon kahapon sa barangay Pandan ng nasabing bayan.
Sa panayam ng Brigada News FM Cotabato kay PCPT AMER HUSSIEN M DISOMANGCOP, hepe ng South Upi Municipal Police Station na minamaneho ni Vice Mayor Roldan Benito ang kanilang sasakyan kasama ang kanyang maybahay, anak at isang escort ng mangyari ang pamamaril.
Nasawi kaagad ang opisyal at si Weng Marcos habang agad namang nadala sa isang pagamutan sa Cotabato City ang sugatang maybahay nito na si Analyn F. Benito at 11 year old na anak na lalaki.
Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa pangyayari upang matukoy kung sino ang mga nasa likod ng krimen. (Jom Dimapalao)