Pagbabakuna sa mga scavengers sa Pampanga, sinimulan na

Sinimulan na ng Pampanga Provincial Government ang pagbibigay bakuna sa mga Scavengers sa lalawigan.

Mismong si Governor Dennis “Delta” Pineda ang nanguna sa ginanap na vaccination rollout sa mga Scavenger at Nanay Community Workers o NCWs sa Bren Z. Guiao Convention Center kahapon.

Mahigit isang libo sa mga ito ang naturukan ng unang dose ng Pfizer vaccine.

Ayon kay Provincial Health Officer Zenon Ponce, ang mga bakuna ay donasyon mula sa COVAX facility na ibinaba ng National government sa probinsya.

Bukod sa libreng bakuna, nakatanggap din ang mga vaccinee ng cash assistance, at food packs na may lamang 5 kilong bigas, canned goods, hotdog, at 1 pack chicken.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *