Pagsama ng mental health services sa health care package, pinag-aaralan na ng PhilHealth

Pinag-aaralan na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na isama ang mental health services sa primary care package para sa lahat ng mga Pilipino.

Ayon kay PhilHealth Vice President for Corporate Affairs Shirley Domingo, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa Department of Health (DOH) upang makasama na ang mental health sa kanilang “Konsulta package.”

Mababatid na batay sa datos ng DOH, aabot sa mahigit 3.6 milyong Pilipino ang nakakaranas ng mental health issues ngayong panahon ng pandemya.

Kabilang rito ang mahigit 1.14 million na mga Pilipinong nakakaranas ng depresyon; 847,000 ang nakakaranas ng alcohol-use disorders at 520,000 naman ang may bipolar disorder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *