PSG, tiniyak na magiging at ligtas ang huling SONA ni Pangulong Duterte

Tiniyak ng Presidential Security Group (PSG) na magiging banayad at ligtas ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na buwan kasabay ng pagsunod sa mga health protocols na ipinatutupad laban sa COVID-19.

Ayon kay PSG Commander Brigadier General Jesus Durante III, kagaya noong isang taon, na isinagawa ng Pangulo ang kanyang SONA sa gitna ng pandemya, sisiguraduhin aniya nila na ligtas muli itong maisasagawa ngayong taon kahit pa may banta pa rin ng virus.

Sinabi pa ng PSG Commander na simula noong buwan ng Mayo ay may mga ginagawa na silang paghahanda para sa seguridad ng Pangulo sa SONA.

Nagsagawa na rin aniya sila ng ilang mga pagpupulong kasama ang kanilang mga counterparts, kasabay ng pag-conduct ng mga ocular and site inspections.

Dagdag pa ni Durante, nakatakda na rin silang magsagawa ng simulation exercises kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *