Pagbabakuna ng booster shot sa Legazpi City nagsimula na

LEGAZPI CITY – Umarangkada na ang pagbabakuna ng booster shots na isinagawa sa Legazpi Convention Center (LC3).

Ayon kay Sheryl Clemente, ang nurse ng vaccination program ng city health office ng lungsod, nagsimula kahapon ng pagbabakuna ng booster shots. Aniya, prayoridad na mabakunahan ay ang A1 at A2 priority group dahil sa limitado pa sa ngayon ang dumating na bakuna para sa booster shots.

Paglilinaw din nito na bago mabakunahan ng booster shots ay kailangan fully vaccinated at kinakailangan anim na buwan ang pagitan sa ikalawang turok.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Hindi rin mandatory ang pagbabakuna ng booster shots dahil sa wala rin naman umano katiyakan na mahawaan o magkaroon ng sakit na covid 19 ngunit malaking posibilidad din naman ito na maaaring hindi ka na mahawaan dahil sa mayroon kang proteksyon laban sa nasabing sakit.

Maaari ka na rin magpili ng iyong bakuna na booster shots ngunit magdedepende pa rin sa matrix ng bakuna. Aabot sa 500 lamang ang bakuna na booster shots para pfizer habang ang sinuvac ay marami pang darating na bakuna.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Samantala, ayon naman kay Marie Melanie Bumanglag residente ng Oas Albay, isa sa mga nagpaturok ng booster shots ay para mabigyan ng proteksyon laban sa covid 19 at panibagong sakit na omicron variant.

Ang kanyang pinili na bakuna ay pfizer dahil sa kung magbabalak man na magtungo sa ibang bansa ay maaaring makapasok o maqualify kung pfizer ang kanynag bakuna.