35 anyos na lalaki arestado sa drug buy-bust operation sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Himas rehas sa kulungan ngayon ang isang 35 anyos na lalaki matapos mahulihan ng droga sa ikinasang drug buy bust operation sa Purok 2 Barangay Imperial lungsod ng Legazpi.

Kinilala ang suspek na si alyas Jojo residente ng nasabing barangay.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ayon sa report ng Legazpi city police station gabi ng magsagawa ng buy bust operation sa lugar kung saan nagpositibo ang suspek matapos pagbentahan nito ang nagpanggap na poseur buyer ng pinaniniwalaang shabu sa halagang P500.

Narekober sa kanyaang isang small heat sealed transparent sachet na may laman na pinaniniwalaang shabu at pera na ginamit sa buy-bust operation.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa ngayon ang suspek ay nasa kostudya na ng pulisya at inihahanda na rin umano ang kasong isasampa na RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002