Pagbaba sa poverty rate nitong 2018 sa Naga City, hindi dapat ikapanatag ng loob – NCPDO

NAGA CITY – “Hindi dapat na ikapanatag ng loob o maging kampante ang Pamahalaan, sa pagbaba ng poverty rate o mga naghihirap na pamilya.”

Ito ang binigyang diin ni Wilfredo Prilles Jr., Naga City Planning and Development Coordinator. Aniya, bagamat bumaba sa 31.9% noong 2018, isa sa kada tatlong pamilya ang naghihirap, mula sa 33.4% taong 2015, base sa Community Based Monitoring System ng lungsod, ma-oobserbahan pa rin ang maraming naghihirap na pamilya lalo na ang mga nasa list economical resilient sa lungsod, kagaya ng Barangay Balatas, na umaasa silang ngayong darating na Hulyo bababa pa ito.

Ayon pa sa opisyal trabaho ang mas kailangan ng bawat pamilya upang matugunan ang paghihirap, lalo na’t limitado ang naibibigay na tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Naga, maliban pa sa ibang tulong kagaya ng Edukasyon, Health Assistance, at iba pa, kaya maging ang panghihikayat sa mga pribadong stakeholders na gumawa ng negosyo para magkatrabaho, ginagawa na rin ng opisina.

Samantala, sa pinakahuling datus ng Philippine Statistics Authority, bumaba sa 22.4% ang poverty rate sa bansa sa unang kalahati ng 2023 mula sa kaparehong panahon noong 2021 na may 23.7%, na katumbas ng 25.24 milyong Pilipino ang mahihirap at 26.14 milyon nitong 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *