LGU Tiwi, Albay, magbibigay ng cash assistance kapalit ng bawat baboy na isinama sa depopulation kaugnay ng naitalang kaso ng ASF

LEGAZPI CITY – Magbibigay ng cash assistance ang lokal na pamahalaan ng Tiwi, Albay kapalit ng mga baboy na isinama sa depopulation matapos makapagtala ng kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bayan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Mayor Jaime Villanueva, P2,000 ang kanilang ibibigay kapalit ng mga baboy na may timbang na 1 kilo hanggang 25 kilo; P3,500 para sa 26 kilo hanggang 50 kilo at P5,000 naman para sa baboy na 51 kilo pataas ang timbang.

Samantala, nagpalabas naman ng guidelines ang lokal na pamahalaan patungkol sa movement ng mga baboy sa bayan, kung saan ang mga nasa Brgy. Joroan at Bariis kasama na ang nasa loob 500 meters kung saan may nagpositibo sa ASF ay hindi pwede ilabas.

Para naman sa mga may layong 501km, maaring ilabas sa barangay pero sa loob lang ng bayan,, habang ang mga nasa layong 1001km pataas mula sa may nagpositibong lugar ay maaring ilabas sa bayan ngunit kinakailangan na sumailalim muna ang mga baboy sa proseso ng blood sampling o surveillance, at maideklarang negative.

Sa ngayon, mayroon nang itinalagang mga checkpoint sa mga boundary hindi lamang sa karatig bayan, kundi pati na rin sa mismong mga barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *