NAGA CITY- Nagpapatuloy pag buo ng mga istratihiya at aksyon ng mga LGUs sa Bicol Region upang maiwasan pagkalat ng COVID-19 delta variant.
Sa Naga City, nagpulong ang City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) kasama ang Contact Tracing and Monitoring Center pinag-usapan dito ang kautusan ng Office of the Mayor upang mabasawan ang epekto ng nasabing variant kung sakaling makapasok ito sa lungsod.
Bukod sa mga dati nang pinapasunod na health standards at pagbabantay sa borders.
Inihayag ni Allen Reondanga, City Events Protocol and Public Information Chief na kasama sa napag meetingan ang pag adobt ng Swab Cab bilang stratehiya sa timely testing sa mga primary contacts, open data sharing, contact tracing up to 3rd generation of close contacts at iba pa.
Kung matatandaan ang swab cab ay umiikot sa mga barangay, nasimulan ito sa pamamagitan ng Office of the Vice President , Office of the 3rd district Representative, Metro Naga Chamber of Commerce and Industry at Tarabangán Naga kontra COVID Group.