Army chief ng Afghanistan pinalitan sa gitna ng pagsalakay ng Taliban forces

Sa gitna ng mga karahasan bunsod ng pagsalakay ng Taliban forces, pinalitan ng Afghanistan ang kanilang Army chief.

Ayon sa report, malaking hamon ang kinakaharap ng magiging kapalit ni General Wali Mohammad Agmadzai dahil sa patuloy na pag-abanse ng Taliban forces.

Matatandaan na nasa 9 na sa 34 na provincial capitals ng Afghanistan ang nakubkob ng Taliban matapos ang mga madudugong engkuwentro.

Kaugnay nito ay nagtungo na din sa northern city ng Mazar-i-Sharif si Afghanistan President Ashraf Ghani para bigyang suporta ang mga pro-government forces.

Una nang kinumpirma ng Afghan troops na umabot na sa mahigit 1-libong sibilyan ang nasawi habang libu-libo ang lumikas sa gitna ng mga sagupaan.