Inter-agency panel, bubuuin ng Kamara upang tugunan ang hinaing ng mga mangingisda sa WPS

Tiniyak ng mga leader sa Kamara ang pagbuo ng isang inter-agency panel na layong tugunan ang hinaing ng mga mangingisda sa West Philippine Sea.

Ayon kay House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., ngayong malapit na ang budget season ay lilikhain ang inter-agency panel upang matutukan at magkaroon ng kasagutan ang mga hiling at nararamdaman ng mga mangingisda.

Isa sa mga suliranin na isinangguni ng mga mangingisda sa ginanap na public consultation sa Masinloc, Zambales ay hindi nila magamit ang mga bangkang ipinamigay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.

Ipinunto rin ni House Committee on National Defense and Security Chairperson Raul Tupas na mangangailangan ng multi-sectoral o inter-agency approach ang kinahaharap na problema ng mga mangingisda sa Zambales.

Kumplikado aniya ang isyu kaya kailangan ang tulong ng maraming ahensya ng gobyerno.

Nangako naman si Zambales Representative Jefferson Khonghun na ipatutupad nila ang oversight functions ng Kamara upang i-validate ang hinaing ng mga mangingisda at para silipin ang isyu ng hindi ang kop na mga bangkang ipinamamahagi ng BFAR.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *