Ikinagalak ng Philippine Army sa Eastern Visayas ang pagkumpirma ng CPP-NPA-NDF na napatay nga ang mag asawang Tiamzon na kilalang mga leader ng rebeldeng grupo sa isang sagupaan noong Agusto 22, 2022 sa karagatang sakop ng Catbalogan City.
Sa panayam ng Brigada News kay Major General Camilo Z. Ligayo, Commanding Officer ng 8th Infantry Division, ikinatuwa nito ang nasabing balita sapagkat wanted ang mga naturang lider sa labing limang (15) kaso na murder.

Itinangi naman ni Major General Ligayo ang alegasyon ng CPP Central Comitte na tinurture muna ang mga ito bago patayin.
Giit nito, hindi totoo na palabas lamang ang lahat dahil talagang nagkaroong ng enkwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga armadong grupo na nag resulta nga sa pagsabog ng sinasakyang motorized bangka ng mag asawang Tiamzon kasama ang Regional Leader ng NPA sa Eatern Visayas na si Joel Arceo aka Ka Divino at walong iba pa sa bisinida ng Canhawan sa nasabing syudad.
Dagdag pa ni Ligayo, propaganda na lamang ito ng mga NPA dahil humihina na ang kanilang pwersa sa Rehiyon 8. //MHEL PACIA-TRINIDAD via Jason Del Monte