Binigyang diin ni suspended Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na ang pagsalakay ng mga pulis sa kanyang bahay ay layunin na patayin siya.
Pagbabahagi ni Teves, na isa sa mga dawit sa raid ay nagsabing nakatanggap sila ng kautusan mula sa dalawang matataas na opisyal para patayin siya.

Sa gitna nito, hindi pa naman nagkokomento ang Department of the Interior and Local Government (DILG), hinggil sa bagong pahayag ng mambabatas.
Una nang itinanggi ni DILG Secretary Benhur Abalos, na idinadawit ni Teves sa raid, na pakana niya ang naturang hakbang, kasabay ng pagtawag nito bilang “preposterous.” //MHEL PACIA-TRINIDAD