P5.7M inilaan ng DOLE para sa mga programang pangkabuhayan sa bayan ng Juban ngayong pandemiya

SORSOGON CITY –  Tinatayang nasa P5.7M ang pondo na inilaan ng Department of Labor and Employment (DOLE)  para maisulong ang mga programang pangkabuhayan sa bayan ng Juban ngayong pandemya. 

Ayon kay Juban LGU Administrator Mary Jane Pena, dagdag pa ang 20% Development Fund mula sa lokal na pamahalaan kung saan nakasentro ang nasabing halaga sa pagpapalago ng fishing, farming, delivery services, tailoring at health and wellness sa lugar.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Paliwanag ni Pena, sa pamamagitan ng mga kagamitan na ilalaan sa bawat sektor ng hanap- buhay inaasahan na mas mapapabilis ang pagdiskarte ng mga mamamayan upang mapunan ang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Itinuturing naman ng lokal na pamahalaan ng Juban bilang suporta ang natanggap nitong mga kagamitan mula sa (DOLE) lalo na ngayong marami pa rin sa mga residente ang hindi makabalik sa kani-kanilang trabaho.