NAGA CITY- Nakunan ng video ang rambol ng grupo ng mga kabataan sa isang pribadong Plaza sa Naga City nitong linggo sa kabila ng pagbabawal sa mga 17-anyos pababa na lumabas ng bahay kapag hindi naman essential ang lakad.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMaj. Rey Alvarez, station Commander ng Police Station 5 sinabi nitong palagi silang nag-iikot subalit may mga sitwasyong talagang nakalulusot ang mga kabataan. Tanong din nito kung paano pinapasok sa naturang plaza ang mga menor de edad, samantalang ang tatlong malalaking Plaza sa Naga ay isinara muna dahil sa umiiral na General Community Quarantine.
Kaugnay nito ibinahagi ng opisyal na upang maiwasan ang pag-gala ng mga menor de edad sa centro ng lungsod pati mga pampublikong sasakyan ay tinitinggan nila. Ang mga nagpapasakay ng menor ay nati-ticketan, ito ay paglabag sa ordinansa at protocols ng Interagency Task Force.
Pagpupunto ni Alvarez kung walang mga magpapasakay sa mga menor de edad hindi sila sisipagang gumala kung wala namang service.