P5.024-trillion budget para sa 2022, nakarating na sa plenaryo ng Senado

Nakarating na sa plenaryo ng Senado ang panukalang P5.024-trillion national budget para sa 2022.

Sa sesyon kahapon, inendorso ni Senate finance panel chairman Senator Sonny Angara para sa approval ng plenaryo ang Committee Report No. 332, na naglalaman ng 2022 General Appropriations Bill.

Ayon kay Angara, karamihan ay para sa pondo pangkalusugan batay sa bersyon ng Senado.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Kaugnay nito, nagdagdag ang Senate panel ng P16.245 billion sa ilalim ng pondo ng Department of Health (DOH) para sa pagbili ng third doses o booster shorts, maliban sa 45.3-billion unprogrammed appropriations na una nang ipinanukala ng executive department sa Kongreso.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Maliban sa karagdagang pondo. ipinakilala rin ang alokasyon para sa probisyon ng mga benepisyo sa healthcare workers.

Sinabi rin ng senador na mahigit bilyon ang idinagdag sa pondo para sa mga state universities at colleges (SUCs) maging sa mga public schools, para matulungan sila na ma-retrofit ang kanilang pasilidad para sa face-to-face classes.