P15K ayuda sa mga magsasaka’t mangingisda, isinusulong

Inihain ni Davao City Representative Paolo Duterte ang isang panukalang batas na layong pagkalooban ng production subsidy ang mga magsasaka at mangingisda sa bansa.

Batay sa House Bill 9053, nais ni Duterte na bigyan ng tig-15,000 pesos na production subsidy ang mga naturang sektor.

Nasa 9.7 million farmers at fisherfolk na apektado ng mataas na presyo ng langis ang inaasahang makikinabang sa subsidiya.

Ipinaliwanag ni Duterte na ang 15,000 pesos ay one-time production subsidy na makatutulong sa mga magsasaka at mangingisda na tinamaan ng mataas na farm inputs gaya ng fertilizer, economic downturn at sunud-sunod na kalamidad.

Nakasaad din sa panukala na magsusumite ang Department of Agriculture at Philippine Statistics Authority ng listahan ng benepisiyaryo katuwang ang local government units.

Popondohan ng 145.5 billion pesos ang Production Subsidy Program.

Sa explanatory note ay binigyang-diin ng kongresista na ang panukala ay tugon sa pagbangon ng mga magsasaka at mangingisda na nalugi, nabaon sa utang at hirap kumita ng pera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *