OVP, namahagi ng “Janazah kits” sa BARMM bilang bahagi ng Burial Assistance program

Sinimulan na ng Office of the Vice President ang pamamahagi ng “Janazah kits” sa pamilya ng mga pumanaw na residente sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Bahagi ito ng Burial Assistance Program ng OVP para sa Muslim Filipinos alinsunod sa Islamic funeral rites.

Bawat Janazah kit na ipinamimigay ng OVP ay naglalaman ng mga materyales na kailangan sa tradisyon tulad ng sabon, “camphor”, puting tela, cotton buds at gunting.

Sa ilalim ng tradisyong Islam, hinuhugasan at ibinabalot ang mga labi ng pumanaw na Muslim at isinasagawa ang “communal prayer” bago ito ilibing sa pinakamabilis na panahon matapos mamatay.

Ipinagbabawal din ang cremation at pag-eembalsamo.

Para sa Muslim Filipinos na nais makatanggap ng Janazah kit, maaaring magsadya sa OVP BARMM Satellite Office sa Sinsuat Avenue, Cotabato City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *