Tourism revenues ng bansa, pumalo sa mahigit 280 billion pesos sa first half ng taon

Ibinida ng Department of Tourism na lumobo ang visitor receipts ng bansa sa first half ng taong 2024.

Batay sa statistical monitoring report ng DOT, pumalo sa 282.17 billion pesos ang kita sa turismo para sa inbound visitors mula January 1 hanggang June 30 ngayong taon.

Mas mataas ito ng 32.81 percent kumpara sa naitalang 212.47 billion pesos na revenue sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ang pagtaas ng tourism revenue ay patunay ng pagsisikap ng administrasyong Marcos na buhayin ang industriya.

Hindi lamang aniya tumataas ang “appeal” ng bansa bilang premier travel destination kundi nakikita na ang pakinabang ng turismo sa ekonomiya at sa pagbibigay ng oportunidad at kabuhayan sa mga Pilipino.

Samantala, nitong July 10 ay naitala naman sa 3.1 million ang inbound tourists kung saan 92.55 percent o 2.9 million ang mga dayuhan habang mahigit 236,000 naman ang overseas Filipinos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *