Pamahalaan ng Japan, muling humingi ng tawad para sa comfort women noong World War II

Nag-sorry muli ang Japan para sa paghihirap na naranasan ng mga Filipino “comfort women” noong panahon ng World War II.

Sa isang pahayag, sinabi ni Japan Ministry of Foreign Affairs deputy press secretary Kaneko Mariko na kinililala nila na ang dignidad at dangal ng mga dating comfort women ay nasira.

Dahil aniya rito, nais iparating ng gobyerno ng Japan ang kanilang paghingi ng tawad at pagsisisi sa kanilang mga naging aksyon noong panahon ng gera.

Noong nakaraang linggo, binigyang-diin ni Senadora Risa Hontiveros ang kanyang panawagan para sa nararapat at makabuluhang repatriation para sa mga comfort women, at sa kanilang pamilya.

Aniya, dapat tuparin ni Pangulong Bongbong Marcos at ng buong administrasyon ang pangako nitong tulong sa kanila.

Hindi umano dapat hayaan ng gobyerno na hindi makamtan ng mga comfort women ang hustisya para sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *