OSG, maghahain ng quo warranto case laban kay Bamban Tarlac Mayor Guo

Maghahain quo warranto case ang Office of the Solicitor General laban kay Suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ay matapos i-anunsyo ng National Bureau of Investigation (NBI) na tugma ang fingerprint ng alkalde sa Chinese national na si Guo Hua Ping.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, maituturing na breakthrough ang findings ng NBI dahil ito ang magbibigay linaw para sa maraming katanungan kaugnay sa tunay na pagkatao ni Guo.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Mababatid na una ng kinumpirma ni Sen. Risa Hontiveros ang naturang findings ng NBI na pekeng Pilipino umano ang alkalde.

Ang quo warranto ay isang legal na pamamaraan para hamunin o tutulan ang karapatan o kapangyarihan ng isang indibidwal sa kaniyang posisyon.