Oscars, nagdagdag ng ‘fan favorite’ prize

Isasama na sa susunod na buwang Oscars ang bagong “fan favorite” prize para sa most popular film na binoto ng Twitter users, ngayong taon.

Ayon sa organizers ng parangal, ito umano ay para maibalik ang maraming viewers sa seremonya.

Ang anunsyo na gagawin sa 94th Academy Awards na telecast sa March 27, ay matapos hindi maisama ang ilang crowd-pleasing blockbusters kabilang na ang “Spider-Man: No Way Home” at “No Time To Die”, na makakuha ng nominasyon sa Oscar para sa major categories, kabilang ang best picture.

Ang pagkakatanggal sa mga ito ay nagdulot ng pangamba na baka maraming fans ng naturang movie ang hindi manuod sa show.

Dahil dito, ang anumang film na inilabas noong 2021 ay maaring iboto para sa bagong kategorya, gamit ang Twitter hashtag #OscarsFanFavorite o sa pamamagitan ng Academy’s website, kung saan malaki umano ang tsansa na kilalanin ang blockbuster sa gabing iyan. //MHEL PACIA-TRINIDAD