World’s most dangerous: Higit 2.7-M cases ng Emotet malware, nadetect sa buong mundo

Pumapalo sa mahigit 2.7 million na mga kaso ng Emotet malware, na ikinokonsidera bilang world’s most dangerous, ang nadetect sa buong mundo simula noong nakaraang taon, bagama’t ang servers nito ay tinanggal na sa isang international law enforcement operation.

Ayon sa Proofpoint Inc., ang emotet, na nakaka-infect sa mga computers matapos maipadala sa pamamagitan ng email attachments, ay mabilis na kumalat noong mga nakaraang buwan, kung saan mayroong 90,000 na mga kaso ang nakumpirma noong Nobyembre at 1.07 million naman noong Enero.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Ngayong buwan naman, may nadetect na mahigit 1.25 million na mga kaso nito.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Pinaniniwalaan naman ng mga cybersecurity experts na ang grupo ng mga hackers na hindi nahuli sa global crackdown noong January 2021 ang nagsimulang magkalat ng Emotet hanggang sa katapusan ng nakaraang taon.

Babala ng mga eksperto, ang malware na unang lumabas noong 2014, ay maaring makakuha ng sensitive information. //MHEL PACIA-TRINIDAD