Inihayag ng Russia na pinabalik na nila sa kanilang bases ang ibang pwersa malapit sa Ukrainian border, na isa umanong unang malaking hakbang tungo sa de-escalation sa loob ng ilang linggo nang krisis sa West.
Ang hakbang ay kasunod sa mahigpit na diplomatic effort para pigilan ang pinangangambahang Russian invasion ng kanilang pro-Western neighbor, at matapos magmartsa ang mahigit 100,000 tropa ng Moscow malapit sa Ukraine’s borders.
Kaugnay nito, si German Chancellor Olaf Scholz ang nakatakdang unang European leader na makikipagpulong kay Russian President Vladimir Putin sa Moscow.

Ang naturang krisis na pinakamalala sa pagitan ng Russia at ng West simula noong magtapos ang Cold War, ay umabot sa peak nitong linggo.
Pero kahapon, sinabi ng Russian defense ministry spokesman na ang pwersa na ideneploy malapit sa Ukraine, ay nakompleto na ang kanilang exercises at handa na para umalis. //MHEL PACIA-TRINIDAD