Organs ng comatose na Hollywood actress na si Anne Heche, posibleng i-donate

Posibleng idonate ang mga organs ng Hollywood actress na si Anne Heche na ngayon ay nananatiling comatose dahil sa tinamong matinding pinsala sa utak, matapos maaksidente ang kaniyang sasakyan sa Los Angeles, USA noong nakaraang linggo.

Sinasabing nagtamo ang 53-anyos na aktres ng “severe anoxic brain injury,” at naka-life support, kung saan sinasabi sa mga ulat na ito ay hindi na inaasahang mabubuhay.

Sa pahayag ng Los Angeles police, sinabing magsasagawa sila ng blood test sa aktres bilang bahagi ng imbestigasyon, matapos lumabas sa preliminary tests na “positive for narcotics” ang dugo ng aktres.

Pero kailangan pa umano ang iba pang pagsusuri para alamin kung ibinigay ba sa aktres ang “narcotics” bilang gamot.

Ayon sa celebrity gossip outlet na TMZ,  inihayag ng kanilang unnamed police sources na positibo umano si Heche sa cocaine at fentanyl. Ang fentanyl ay ibinibigay rin sa tao bilang pain relief.

Noong 1990s, pinag-usapan ang naging relasyon nila ng talk show host na si Ellen DeGeneres.