Nasungkit ng isang estudyanteng residente ng San Narciso, Zambales ang silver at bronze medal sa larangan ng tennis.
Ito ay sa 20th ASEAN University Games 2022 na ginawa sa Ubon Rachatani, Thailand noong August 6.
Naiuwi Gantri Manuel, estudyante ng Mapua at miyembro ng San Narciso Tennis Club ang silver medal sa men’s team event at bronze sa men’s doubles.
Sa kanyang facebook post ay pinasalamatan ni Manuel si Zambales Gov. Hermogenes Ebdane Jr., sa suporta nito at inialay rin nito ang karangalan sa lahat ng sumuporta sa kanya lalo na umano sa isa sa mga founding members ng SNTC na si dating board member at konsehal JB Felarca.//Russell Banawa-BNFM IBA
PHOTO: Gantri Manuel
