Para sa aktres na si Iza Calzado, totoo ngang life begins at 40.
Ito’y matapos na inanunsyo ni Calzado na buntis siya sa kaniyang unang anak sa edad 40.
Sa kaniyang latest post sa Instagram, makikita sa kaniyang larawan ang maliit na baby bump ni Iza.
Tapos na raw siya sa kaniyang mga proyekto at may mga nakaabang pa, ngunit hindi inaasahan ang pagdating ng kaniyang baby.
Giit ni Iza, laging mas maganda ang plano ng Panginoon, kaysa sa kanya kaya tinatanggap umano niya ng ang bagong kabatanata ng kanyang buhay ng tao puso at pagpapasalamat.
Matatandaan na noong 2018 pa nang ikasal sina Iza at Ben Wintle.
