Ordinansang magbibigay insentibo sa mga barangay officials na nakapaglingkod ng tatlong magkasunod na termino, aprobado na

Aprobado na sa Sangguniang Panlungsod ng Olongapo ang ordinansang magbibigay ng insentibo sa mga opisyal ng baranggay.

Ito ay para sa mga nakapaglingkod sa loob ng tatlong magkakasunod na termino sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Kon. Ying Anonat na author ng ordinansa, ito ay para sa mga Kapitan, Kagawad, Treasurer at Secretary.

Ang mga Kapitan na magiging kwalipikado ay makakakuha ng insentibong 30,000 habang 20,000 naman para sa mga kagawad, treasurer at secretary pagkatapos ng kanilang panunungkulan.

Bahagi na rin umano ito ng pagkilala sa mga opisyal ng baranggay na kadalasang pagkatapos ng termino ay wala namang nakukuhang insurance.

Ito ay tinatawag na “An ordinance granting gratuity to all barangay officials who have rendered three consecutive terms of office in the City of Olongapo and providing funds for the purpose”.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Konse Ying Anonat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *